INIUTOS | Pagtatayo ng mga satellite environment office sa mga tourist spot sa Pilipinas, iniutos ng DENR

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pagtatayo ng mga satellite environment offices sa mga tourist spots sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources kaugnay sa isyu ng Boracay, plano ng DENR na magtayo ng kanilang mga tanggapan sa Siargao sa Surigao, Panglao sa Bohol, Palawan at Puerto Galera.

Nauna nang ipinabalik ni Cimatu ang DENR office sa Boracay na pinabuwag noong bago pa siya maupo sa ahensya.


Layunin ng paglikha ng satellite offices na mabantayan ang mga tourist destinations upang mapigilan ang pagkasira ng mga ito.

Pero, nag-aalala naman ang mga kongresista na posibleng hindi kayanin ng budget ng DENR ang pagtatayo ng mga tanggapan.

Paliwanag ni LPGMA Representative Arnel Ty, chairman ng komite, kulang ang P150 million para sa DENR extension offices dahil kakain na ng malaking pondo ang pagpapatayo pa lamang ng mga gusali hindi pa kasama ang gastos dito sa operasyon.

Facebook Comments