Ibinabang desisyon ng SC sa ika-3 Martial Law sa Mindanao, kinastigo ng oposisyon sa Kamara

Manila, Philippine – Tinuligsa ng oposisyon sa Kamara ang pagkatig ng Korte Suprema sa ikatlong beses na pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao.

Giit nila Akbayan Rep. Tom Villarin at Magdalo Rep. Gary Alejano, tuluyan nang inabanduna ng judiciary ang pagiging independent para magdesisyon kung naaayon pa ba sa Konstitusyon ang hiling ng Executive na martial law extension.

Iginiit pa ng mga kongresista na walang batayan ang pasya ng Korte na katigan ang pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao dahil wala namang umiiral na rebellion o banta ng pananakop sa rehiyon.


Sinabi pa ng mga ito na hindi naman naisakatuparan ng martial law ang purpose nito na protektahan laban sa mga terrorist activities ang Mindanao.

Dagdag pa ng mga mambabatas na nagkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya at psychological welfare ang patuloy na pagpapairal sa batas militar kaya hindi ito ang sagot para sa kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments