IBINASURA | Anti-dynasty provision sa ilalim ng panukalang BBL, tinanggal ng bicam committee

Manila, Philippines – Ibinasura ng Congress bicameral committee ang probisyong nagbabawal ng political dynasties sa ilalim ng isinusulong na Bangsamoro government.

Ito ang kinumpirma nina Senador Francis Escudero at Franklin Drilon habang tinatalakay ng 29-member committee ang mga bersyon ng Kamara at Senado ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Escudero, ang political dynasties ban ay naa-apply lamang sa partylist representative at hindi sa ibang miyembro ng parliyamento o iba pang opisyal ng bangsamoro.


Ang probisyon aniya ay selective, discriminatory at ineffective.

Sinabi naman ni Drilon, tutol ang bicam panel sa anti-dynasty provision at magiging ‘useless’ lamang ito.

Ang kailangan ay mahigpit na regulasyon sa dynasties na applicable sa lahat ng public officers.

Facebook Comments