IBINASURA | Arraignment kay Sen. De Lima muling ipinagpaliban

Manila, Philippines – Ibinasura ng Muntinlupa RTC 206 ang mosyon laban sa kaso kay Senadora Leila De Lima.

Ito ay ang Motion to Quash na una nang isinumite ng kampo ng senador para ipawalang bisa ang kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading.

Ibinatay ni Judge Patria De Leon ang pagbasura sa teknikalidad dahil sa dati na umanong natalakay ang nilalaman ng motion to quash ni De Lima.


Gayunman, hindi pa rin natuloy ang dapat sanang arraignment o pagbasa ng sakdal laban sa senador.

Ito ay matapos maghain ng 12 pahinang Motion for Reconsideration (MR) ang mga abogado ni De Lima.

Dahil dito binigyan muna ng korte ang prosekusyon ng 5 araw para pag-aralan at sagutin ang panibagong mosyon ng depensa.

Itinakda ang panibagong pagdinig sa July 27 ng umaga.

Facebook Comments