INOSENTE? | Liderato ng LP, tiwalang kayang harapin nina Aquino at Abad ang kaso kaugnay sa DAP

Manila, Philippines – Tiwala si Liberal Party President Senador Kiko Pangilinan na kayang-kayang ipagtanggol nina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at dating Budget Secretary Florencio Abad ang kanilang mga sarili.

Kaugnay ito sa kasong Usurpation of Legislative Powers na isinampa ng Office of the Ombudsman dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Diin ni Pangilinan, inosente sina Aquino at Abad hinggil sa nasabing kaso na nag-ugat sa pagdeklara ng savings sa kalagitnaan ng taong 2012 na ginamit sa DAP.


Giit pa ni Pangilinan, nananatili ang integridad nina Aquino at Abad.

Facebook Comments