Ibinasurang kaso ng Ombudsman laban kina dating Pangulong Aquino at Sen. Trillanes, balak i-apela ng VACC

Manila Philippines – Dismayado ang Volunteers Against Crime and Corruption sa pagbasura ng Office of the Ombudsman sa kasong treason at espionage laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at Senador Antonio Trillanes.

Ito’y kaugnay sa back channel talks sa China hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.

Sa interview ng RMN kay VACC Chairman Dante Jimenez – patunay lamang ito na may kinakatigan si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.


Dahil dito, plano ng VACC na maghain ng motion for reconsideration para i-apela ang naging desisyon.

Facebook Comments