IBINIDA | Pagbaba ng inflation rate, resulta ng mga ginawang hakbang ni Pangulong Duterte – ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na ang pagbaba ng inflation rate sa bansa sa buwan ng Nobyembre ay dahil sa empathy o pakikiisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayan at ibigay ang pangangailangan ng mga ito.

Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon narin sa inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority na bumaba sa 6% ang inflation sa Nobyembre kung ikukumpara sa 6.7% noong nakaraang Oktubre.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kabilang sa mga ginawang hakbang ni Pangulong Duterte ay ang paglalabas ng Administrative Order number 13 na siyang nag streamline sa mga proseso ng importasyon ng mga agricultural products tulad ng bigas.


Inilabas din naman aniya ni Pangulong Duterte ang Memorandum Order number 26,27 at 28 na siyang nagpapatatag naman ng presyo at supply ng mga agricultural products at fishery products sa merkado.

Tiniyak din naman ni Panelo na mananatiling mapagmatiyag ang Pamahalaan sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa upang matiyak ang food security ng bansa.

Facebook Comments