RESHUFFLE| Ilang unit chief at station commander sa QCPD, binalasa

19

Manila, Philippines – Nagkaroon ng balasahan sa ilang unit chief at station commander sa pamunuan ng Quezon City Police District.

Subalit agad nilinaw ni QCPD District Director PC/Supt. Joselito Esquivel na minor reshuffle lamang at regular re-assignment ang kanyang ipinag-utos para sa ikabubuti ng operasyon at paglilingkod sa publiko ng QCPD.

Kabilang sa apektado ng reshuffle ay si P/Supt. Robert Sales, hepe ng La Loma Police Station (PS-1) na pinalitan ni P/Supt. Camlon Nasdoman ang station commander ng Eastwood Police Station (PS 12).

Si P/Supt. Sales ay itinalaga bilang chief ng District Police Strategy Management Unit (DPSMU) habang ang pwesto naman ni P/Supt, Nasdoman ay pamumunuan ni P/Supt. Romulus Gadaoni na dating pinuno ng District Operations and Plans Division (DOPD) na pamumunuan na ngayon ni P/Supt. Jeffrey Bilaro.

Kasabay ng ‘reshuffle’ ay ipinagmalaki ni Gen. Esquivel ang pangwalong pagkakataon na zero sa eight focus crime ang Quezon City sa loob ng walong buwan nitong pamumuno bilang director ng QCPD.

Facebook Comments