IBINIDA | WHO ipinagmalaki ang matagumpay na paglaban sa mga nakakahawa at ‘di nakakahawang sakit

Ibinida ng World Health Organization Western Pacific Region ang kanilang pagsugpo sa mga communicable at non-communicable diseases kung saan mas handa sila sa banda ng kalusugan sa buong mundo.

Sa ginanap na ika 69 session ng WHO Regional Committee for the Western Pacific Region sinabi ni WHO Vice Chairperson Dr. Lam Pin Min ng Minister of Health Singapore na mas pinalalakas na ng rehiyon ang sistema ng universal health coverage at tinututukan na nila ang mga sensitibong usapin sa kalusugan upang mapangalagaan at makapaghatid ang WHO ng tamang impormasyon kung papaano maiiwasan ang mga nakakahawang sakit na hindi inaasahang tatama sa bawat indibiduwal.

Paliwanag ni Dr. Min malaking tulong ang mahigit 10 milyong dolyar na pondo ng WHO upang magampanan nila ang kanialng tungkulin na maprotektahan ang bawat citizen ng ibat-ibang bansa na kasapi ng WHO kabilang ang Pilipinas, France, China, Amerika, Federal States of Micronesia, Malaysia, Japan at iba pang bansa kung saan prayoridad ng WHO na ilahad ang buong mga detalye hinggil sa budget planning sa mga susunod na taon.


Pinapurihan din ng opisyal ng WHO ang bawat kasapi na nakikipagtulungan upang maging matagumpay ang kanilang mga programa sa pag-iwas ng mga nakakahawang sakit na dumadapo sa bawat tao sa buong mundo.

Facebook Comments