Ibinigay na cash incentive sa mga magaaral na may Latin honor at topnotchers, tinaasan ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa

Inihayag ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na dinagdagan nila ang cash incentives na matatanggap ng magaaral ng Muntinlupa na nagtapos na may Latin honor at mga nag top sa mga bar at board exam.

Aniya, ang Summa Cum Laude ay makakatanggap na ng ₱30,000, kung saan noong nakaraang taon ay nasa ₱20,000 ito.

₱20,000.00 naman para sa Magna Cum Laude, na tumaas ito ng ₱5,000 at ang Cum Laude naman ay nakakatanggap naman ng ₱10,000.


Samantala, ang mga cash incentive naman ay nakabase kung anong klase ng exam ang kinuha at may braket ito.

Sa bracket A, kasama dito ang Post-Baccalaureate, Bar, at Physician Board Examination passers. Ang top 1 ay makatatanggap ng ₱200,000; top 2-5 ay mayroon ₱100,000; at ang top 6-10 ay ₱50,000 naman ang matatanggap.

Para naman sa bracket B, kasama naman dito ang Baccalaureate Degree examination passers. Top 1 ay makatatanggap ng ₱100,000; top 2-5 ay ₱50,000; at top 6-10 ay may ₱25,000.

Ang bracket C ay para naman NC III, NC IV Certifications, at diploma levels topnotchers. Top 1 ay makatatanggap ng ₱30,000; top 2-5 ay mayroon ₱20,000; at top 6-10 ay ₱10,000 ang matatanggap bilang cash incentives.

Facebook Comments