Dapat bawiin ng Commission on Elections (COMELEC) ang ibinigay na extension sa kampo ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos para sagutin ang mga inihain sa kaniyang disqualification at pagkansela sa kaniyang Certificate of Candidacy (COC).
Ito ang iginiit ng grupo ng petitioners kung saan inabuso umano ng COMELEC ang kanilang kapangyarihan nang bigyan pa ng extension ang kampo ni Marcos.
Matatandaang hindi nakaabot sa deadline si Marcos na hanggang November 16 para magpaliwanag kung kaya’t binigyan pa sila ng dagdag na pitong araw ng COMELEC.
Ayon sa abogado ng petitioners na si Atty. Theodore Te, malinaw na labag ito sa batas lalo na’t ang COMELEC second division na ang unang nagsabi na kapag hindi nakapagsumite ng sagot si Marcos bago ang deadline ay hindi na sila papayagan pang makapagbigay ng memorandum.
Matatandaang natapos ang deadline sa kampo ni Marcos noong Nobyembre 16 o dalawang araw bago sila bigyan ng Motion for Extension.