Ibinubugang asupre ng Bulkang Taal, tumataas ayon sa PHIVOLCS

Tumataas ngayon ang antas ng ibinubugang asupre ng Bulking Taal.

Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kapansin-pansin ang nangyayaring degassing mula sa Taal main crater.

Na-monitor ito ng PHIVOLCS bandang hating gabi ng ika-11 Marso.


Dagdag ng PHIVOLCS, tumataas din ang volcanic Sulfur dioxide (SO2) gas emission nito na nagsimulang tumaas noong March 6.

Umaabot sa 15,900 tons per day ang naitala simula noong ika-9 Marso.

Sa kabila ng pagtaas ng aktibidad ng bulkan nanatiling nasa Alert Level 2 ang bulkang Taal.

Nakapagtala naman ang PHIVOLCS ng galing volcanic earthquakes at apat na
volcanic tremors na tumagal mula dalawa hanggang walong minuto.

Facebook Comments