Pangamba ng mga Pinoy sa Israel kaugnay ng Russia-Ukraine conflict, pinawi ng Philippine Embassy

Pinawi ng Philippine Embassy ang pangamba ng mga Pilipino sa Israel sa harap ng tumitinding bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa embahada ng Pilipinas, walang dapat ikabahala ang mga Pinoy sa Israel kaugnay ng Russia-Ukraine conflict.

Sakali anilang lumala ang sitwasyon ay agad naman na maglalabas ng abiso ang Philippine Embassy hinggil sa mga dapat gawin ng mga Pinoy doon.


Kabilang na rito ang posibleng paglilikas sa mga Pinoy.

Pinaalalahanan din ng embahada ang mga Pilipino sa Israel na laging magmonitor ng kanilang mga post o abiso sa kanilang Facebook account.

Facebook Comments