Halos dumoble ang ibinibugang sulfur dioxide ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 1,155 na toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan kumpara sa naitalang 632 noong Hulyo 6.
Limang volcanic earthquakes din ang naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Bulusan.
Habang umabot sa 100 metro ang taas ng singaw nito na patungong hilaga-hilagang kanluran.
Paalala ng PHILVOLCS nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan at posible pa rin ang biglaang pagputok o phreatic explosion.
Facebook Comments