DOTr, nilinaw na ang LRT-2 pa lamang ang may libreng sakay sa mga estudyante kapag nagbalik na ang face-to-face classes

44

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit (LRT) Line-2 pa lamang ang siguradong magpapatupad ng libreng sakay sa mga estudyante kapag nagkaroon na ng face-to-face classes.

Pero, sinabi ni Transportation Secretary Jaime “Jimmy” Bautista na irerekumenda rin ng DOTr na magkaroon ng libreng sakay sa mga estudyante sa Metro Rail Transit (MRT) Line-3 at sa Philippine National Railways (PNR).

Matatandaang, noong Miyerkules ay nag-inspeksyon sa mga tren ng MRT-3 si Bautista kung saan pinadaragdagan niya ng mga medical team sa bawat istasyon at pasilidad para sa mga senior citizen.


Pinalalagyan din ni Bautista ng videte ang mga palikuran.

Dagdag pa ng kalihim na handa siya mag-inspeksyon sa mga istasyon ng tren tuwing rush hour.

Facebook Comments