IBINUNYAG | Gatas ng ipis, ituturing na ultimate super food sa future

Kaway – kaway sa mga takot sa ipis!

Darating ang panahon na ituturing bilang ultimate super food ang gatas na nagmumula sa ipis.

Ito ang ibinunyag ni Dr. Leonard Chavas, isa sa mga scientist na kasalukuyang pinagaaralan ang fluid secretion ng mga partikular na species ng ipis.


Gayon paman ayon kay Chavas, ang klase ng ipis na ito ay ‘yung matatagpuan lamang sa pacific o kung tawagin ay pacific beetle cockroach.

Base aniya sa kanilang pag-aaral, ang mga pacific beetle cockroach na ito, hindi gaya ng ibang ipis, ay nadi-develop ang kanilang mga baby sa loob ng kanilang katawan at hindi sa itlog.

Matapos ipanganak ang kanilang mga supling ay may ipanaiinom sila sa mga ito na yellow fluid o yung ‘cockroach milk’, na 3x mas mataas ang energy content kaysa sa buffalo milk.

Bukod dito, ang cockroach milk ay nagtataglay ng protein, essential amido acids, lipids at sugar, kaya hindi malabo na ito na talaga ang ulitimate super food.

Ang problema lang aniya nila sa kasalukuyan ay mahirap ipunin ang gatas ng mga ito dahil sa sobrang liit ng mga ipis.

Para makabuo ng 100 gramo ng gatas nito ay kailangan ng 14 libong pacific beetle cockroach.

Facebook Comments