TAPATAN | Update sa bakbakang Ancajas at Sultan

California – Sa katatapos lamang na weigh-in para sa IBF World-Title Fight nila IBF Super Flyweight Champion Jerwin Ancajas at challenger nitong si Jonas Sultan, kapansin-pansin na hindi nag ngitian at hindi rin nag-handshake si Ancajas at Sultan.

Tumimbang si Ancajas ng 114.8 pounds habang solid na 114.4 pounds naman ang opisyal na timbang ni challenger Jonas ‘Zorro’ Sultan.

Ang tapatan ni Ancajas at Sultan ay gaganapin mamayang gabi sa Fresno, California o bukas ng umaga, oras dito sa Pilipinas.


Matatandaan na si Ancajas at Sultan ay kapwa tubong Mindanao.

Facebook Comments