“EFFORTLESS ANG CHEMISTRY…”
Ganito inilarawan ng 29-year old actor na si JM de Guzman ang love team nila ngayon ni Barbie Imperial sa pinagbibidahan nilang afternoon series.
Aniya, kinilig daw siya nang una niyang makatrabaho si Barbie na inilarawan niyang “charming, magaan kasama at malambing.”
Dito rin ibinuking ni JM na break na sina Barbie at boyfriend niyang si Paul Salas.
Naungkat ito makaraang tanungin si JM kung may posibilidad daw bang ma-develop ang romantic feelings niya para sa 19-year old actress.
Sinagot ito ng aktor sa pamamagitan ng pagtatanong kay Barbie kung pwede raw ba, tutal single naman daw ang aktres ngayon.
Natawa naman si Barbie at halatang hindi alam kung paano magre-react sa revelation ni JM.
Facebook Comments