KALABOSO | Magkapatid na suspek sa pagpatay sa konsehal ng Sariaya, Quezon – Naaresto na

Quezon – Naaresto na ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa Municipal Councilor ng Sariaya, Quezon na si Aristeo Ilao.

Kanina ay iprinisinta sa media ang mga suspek na sina Ramil at Reynaldo Manaloto Gesmundo na kapwa brother-in-law ng biktima.

Base naman sa pakikipag-usap ni Police Regional Office 4-A Director C/ Supt. Guillermo Eleazar sa mga suspek, tila lumalabas na sama ng loob sa biktima ang nag-udyok sa kanila na gawin ang krimen.


Matagal na umano silang magkakaibigan nina ilao at nangako raw ito na tutulungan silang umasenso pero hindi naman daw ito tinupad ng konsehal.

Samantala, narekober pa ng mga pulis ang duguang maong pants at t-shirt ni ramil na ngayon ay isinailalim na sa DNA test.

Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong murder laban sa magkapatid.

Facebook Comments