IBINUNYAG | Mocha Uson, isiniwalat na target siya ng mga komunistang grupo

Manila, Philippines – Ibinunyag ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na pinag-iinitan siya ng mga makakaliwang grupo.

Ito ay kasunod ng kanyang panayam sa mga Lumad sa Mindanao.

Base sa interview, sinasabi ng mga Lumad leader na hindi ang militar kundi ang CPP-NPA ang pumapatay sa kanilang mga kasamang katutubo.


Ayon kay Uson – malaki ang posibilidad na gawing target siya ng mga komunista.

Binatikos din ni Uson ang mga makakaliwang mambabatas na kaalyado ng mga NPA.

Nauna nang sinabi ni Uson na tuloy na ang kanyang pagtakbo sa 2019 elections.

Facebook Comments