PINASINUNGALINGAN | PRRD, itinangging bahagi ng kanyang economic team si Michael Yang

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang Chinese businessman na si Michael Yang sa kanyang economic adviser.

Ayon sa Pangulo – hindi pwedeng magkaroon ng posisyon sa gobyerno si Yang dahil isa siyang Tsino.

Muli ring nilinaw ng Pangulo na hindi dawit si Yang sa anumang ilegal na droga.


Kasabay nito, nais ng Pangulo na isang Chinese-Filipino businessman ang mamuno ng National Food Authority (NFA).

Mas alam kasi nila ang kalakaran sa ganitong negosyo.

Facebook Comments