IBINUNYAG | Porn star na umano’y naka-relasyon ni President Trump, nakatanggap daw ng mga pananakot

40

Amerika – Ibinunyag ng porn star na si Stormy Daniels ang umano’y pananakot sa kanya ng kampo ni US President Donald Trump noong 2011.

Ito ay para umano manahimik siya kaugnay sa kanyang naging relaasyon sa Presidente ng Amerika.

Sinabi niya ito sa kanyang interview sa programa ni Anderson Cooper na “60 Minutes”.

Dito, idinetalye rin niya ang umano’y minsan nilang naging pagtatalik ni Trump.

Pero nang tanungin kung mayroon siyang sapat na ebidensya sa kanyang mga alegasyon katulad ng litrato o video, tumanggi ang aktres na kumpirmahin kung mayroon siyang maipapakita.

Facebook Comments