IBINUNYAG | PRRD, kinumpirmang inalok kay Sen. Honasan ang posisyon bilang kalihim ng DICT

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-iisipan pa ni Senador Gringo Honasan kung tatanggapin ang kanyang alok bilang pinuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng mga ulat na papalitan ni Honasan simula sa Enero ng susunod na taon si acting Secretary Eliseo Rio.

Ayon kay Duterte – kinumpirma niya na inalok niya ang posisyon kay Honasan pero hindi pa siya sigurado kung tatanggapin ito ng senador.


Sakaling tanggapin ni Honasan, mapapabilang siya sa lumalaking bilang ng mga opisyal na may military backgrounds na in-appoint ng Pangulo.

Magtatapos ang ikalawang termino ni Honasan bilang senador sa Hunyo 2019.

Facebook Comments