IBP, ikinatuwa ang pagdeklara ng Korte Suprema na ‘unconstitutional’ ang dalawang probisyon ng Anti-Terror Act

Suportado ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Egon Cayosa ang pagdeklara ng Korte Suprema na ‘Unconstitutional’ ang dalawang probisyon ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Cayosa na kwestiyunable ang section 4 ng batas dahil nasa isip at puso lamang ng tao ang intensiyong labagin ang freedom of expression.

Umaasa si Cayosa na hindi na magiging hadlang ang Anti-Terror Act sa mga nagnanais magpahayag ng kanilang saloobin.


Suportado rin ni Cayosa ang pagdedeklarang unconstitutional sa section 25, paragraph 2 ng naturang batas dahil iginiit nito na korte lamang ang may kapangyarihang maghatol.

Kasabay nito, umaasa si Cayosa na kakatigan din ng supreme copurt ang iba pang probisyon na may butas sa Anti-Terror Act.

Facebook Comments