IBP Isabela Chapter, Nagpaalala sa mga Bagong Abogado!

Cauayan City, Isabela- Pinaalalahanan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Isabela Chapter ang 22 na mga bagong abogado mula sa Lalawigan ng Isabela hinggil sa paghawak ng isang kaso.

Sa ginanap na Recognition and Testimonial kahapon ng IBP- Isabela sa F.L Dy Coliseum, Cauayan City ay naging panauhing pandangal si Presidential Spokesperson at Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Lucky Damasen, IBP President ng Isabela Chapter, binigyang diin nito na ang pagiging isang abogado ay hindi nasusukat sa tatanggaping pera sa paghawak ng kaso mula sa mga kliyente kundi ang patas na timbang upang makamit ang angkop na hustisya para sa isang tao.


Ayon pa kay Atty. Damasen, sa mata ng batas ay walang mahirap o mayaman maging ano pa man ang estado ng buhay ng isang indibidwal.

Kaugnay nito, pinarangalan din ng IBP-Isabela ang ilang hukom na magreretiro na sa serbisyo gaya nila Judge Raul Babararan ng RTC Br. 19 Cauayan City, Judge Bonifacio Ong ng RTC Br.24 Echague at Judge Fe Alvaro ng MTC Roxas-Quirino.

Samantala, magsasagawa ang IBP-Isabela ng Fun Run for A Cause para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL’s) sa buong lalawigan ng Isabela sa susunod na buwan.

Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, IBP-Isabela chapter, Presidential Spokesperson, Legal Counsel Sec. Salvador Panelo, F.L Dy Coliseum, Cauayan City, Atty. Lucky Damasen, Judge Fe Alvaro, MTC Roxas-Quirino,

Facebook Comments