Muling nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema na pangunahan ang patas na imbestigasyon sa lahat ng mga pagpaslang ng mga abogado sa bansa.
Kasunod ito ng pagpatay kay Atty. Rex Jasper Lopoz na binaril noong Miyerkules ng gabi sa Tagum City, Davao del Norte.
Ayon sa IBP, dapat magpatawag na ang Supreme Court (SC) ng dayalogo sa hanay ng hukuman, IBP, mga otoridad at iba pang organisasyon para matalakay ang pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mga abogado.
Nababahala ang IBP sa serye ng mga pag-atake laban sa mga abogado, hukom at piskal na hindi pa nareresolba.
Sa pagtaya ng IBP, nasa 38 na ang napapatay sa hanay ng propesyon ng abogasya mula noong August 2016.
Facebook Comments