IBP, tinawag na hindi tama at nakaka-alarma ang paghingi sa korte ng Calbayog-PNP ng listahan ng mga abugado ng mga pinaghihinalaang komunista

Binatikos ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang ginawang paghingi ng Calbayog-PNP sa korte ng kopya ng pangalan ng mga abugado ng mga pinaghihinalaang “communist terrorist group personalities”.

Una nang kinumpirma ng Korte Suprema na nakatanggap ng request ang Calbayog Regional Trial Court mula sa isang Police Lt. Fernando Calabria Jr. ng Calbayog City Police Station na humihiling ng kopya ng listahan ng mga abugado ng mga nasabing pinaghihinalaang komunista pero wala pang aksyon dito ang korte.

Ayon kay IBP National President Domingo Egon Cayosa, “hindi tama, kalunos-lunos at nakakaalarma” ang naging hakbang ng calbayog-pnp.


Binigyang-diin ni Cayosa na batay sa basic principle, ang mga abugado ay may kalayaan at may obligasyong magrepresenta ng akusado kahit ito pa ay may kinalamang political o ideological upang mapangalagaan at maprotektahan ang kanyang karapatan at matiyak na maisisilbi ang hustisya.

Giit ni Cayosa, ang mga abugado ay hindi dapat pinagsusupetsahan, dini-discriminate, sinisisi, nire-red-tag at inaatake sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Panawagan ng IBP sa otoridad, magkaroon ng komprehensibong imbestigasyon at i-promote ang state responsibility upang matiyak na magagawa ng mga abugado ang kanilang trabaho nang walang nangyayaring pananakot, pangha-harass o paghihigante.

Facebook Comments