PNP, iginiit na sumunod sa health protocols si PNP Chief Gen. Debold Sinas nang bumisita sa Oriental Mindoro

Binigyang-diin ng Philippine National Police na nagswab test at sumunod sa health protocols si PNP Chief General Debold Sinas pero nagpositibo pa rin ito sa COVID-19.

Ito ang paglilinaw ng PNP kasunod ng pahayag ng Provincial Government ng Oriental Mindoro na hindi sumunod si Sinas sa COVID-19 health protocols nang bumisita siya sa probinsya noong Huwebes.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, sa tuwing umaalis ang PNP Chief ay hindi nito nakakalimutan na magpa-swab test, mayroong suot na face mask at face shield at laging may dalang alcohol.


Lahat din aniya ng mga opisyal ng PNP na kasama nito ay parehong sinusunod ang mga health protocol na itinakda ng pamahalaan.

Maaalalang naging kontrobersyal din si Sinas noong Mayo nang magsagawa ng mañanita.

Kasalukuyan si PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang Officer-In-Charge sa PNP habang naka-quarantine si Sinas.

Facebook Comments