ICC probers, hindi talaga makakapasok ng bansa

Maituturing ng moot and academic ang hakbang upang huwag papasukin ng bansa ang mga International Criminal Court o ICC prober para imbestigahan ang umano’y paglabag sa karapatang pantao ng Duterte administration kaugnay sa drug war nito.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng panawagang ideklarang persona non-grata ang ICC probers.

Ayon kay Roque, malabo talagang makapasok ng bansa ang mga imbestigador ng ICC dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 kung saan hindi nagpapapasok ng banyaga sa bansa.


Ani Roque, ang maaari lamang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ay ‘yung mga mayroong long-staying visas.

Kasunod nito, muling nanindigan ang kalihim na walang obligasyon ang Pilipinas na makipagtulungan sa ICC dahil hindi na naman kasapi ang bansa ng Rome Statute ng ICC.

Facebook Comments