Ice Cream Museum, dinadagsa ng mga turista at ilang residente sa California dahil sa kakaiba nitong features

Los Angeles, California – Isang bagong pasyalan para sa mga residente at turista sa Los Angeles ang siguradong bibisitahin dahil sa kakaibang gimik sa isang museum.

Dagsa ang mga bumibisita sa Museum of Ice Cream na pansamantalang binuksan noong nakaraang taon at inexpand ngayong taon sa iba’t-ibang lugar sa siyudad para sa exhibition sa Los Angeles’ Arts District.

Mayroong 10 exhibit sa museum kung saan bawat room ay may kanya-kanyang amoy at lasa ng pinaghalong ice cream at iba pang dessert.
Tampok din ang isang kwarto na puno ng saging at pool na puno na sprinkles kung saan $29.00 lang halaga ng admission habang $18.00 naman para sa mga bata at senior na may ice cream tastings at iba pang sweets.
Samantala, bukas pa rin ang musuem hanggang Mayo 29.
Nation


Facebook Comments