Ice Cream Sundae Sa Michigan, Isang Kilometro Ang Haba

2

MICHIGAN, USA – Nasungkit ng Michigan ang bagong guinness world records para sa may pinakamahabang ice cream sundae sa mundo.Inorganisa ito ng house of flavors sa Ludington na siya namang pinagtulong-tulungan gawin sa bayan ng Lake Michigan.Umabot ito ng 2,970 feet na ice cream sundae ang kanilang nagawa o kasing haba ito ng walong blocks o halos kilometro na pinagsaluhan din kainin ng libo-libong residente sa nasabing bayan.Dahil dito, tinalo ng Michigan ang 2015 world record ng manurewa, new zealand na mayroon 1,975 feet na haba ng sundae ice cream.

Facebook Comments