Panibagong Pahayag Ng Estados Unidos Laban Sa Kampanya Ni Pangulong Duterte Kontra Droga, Kinastigo

27

MANILA – May panibagong patutsada si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko bago umalis kahapon patungong Japan.Sa kanyang departure speech, hindi napigilan ng Pangulo ang mabwiset na naman laban sa Estados Unidos at European Union.Ayon sa Pangulo, sinasakyan lamang at pinalalaki ng ilan ang usapin laban sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra droga.Sinabi pa ng Pangulo na maging si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ay sinabihan siya na maging maingat sa pagsasalita lalo sa Amerika.Mananahimik na sana ang Pangulo, pero muli na naman siyang tinuligsa ni US Assistant Secretary of State Daniel Russel na bumisita sa bansa.

Facebook Comments