Iceland, pinatutsadahan ni PRRD

Pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansang Iceland, na siyang naghain ng draft resolution sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahan ang extra judicial killings o EJK sa ilalim ng war on drugs.

Matatandaang pinaboran ng UNHRC ang resolusyon.

Sa kanyang talumpati sa 28th Anniversary ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Aguinaldo kapahon, sinabi ng Pangulo na ang Iceland ay hindi pinoproblema ang krimen at droga.


Dagdag pa ng Pangulo – ang mga kritiko ng anti-drug campaign ay hindi nauunawaan ang social, economic at political problems ng Pilipinas.

Tiniyak ng Pangulo na pag-aaralan niya kung papayagan ang UN investigators sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng Malacañan na maaaring harangin ng Pangulo ang mga imbestigador mula UN na makapasok sa Pilipinas kung wala siyang makitang basehan para magsagawa ng pagsisiyasat sa human rights situation sa Pilipinas.

Facebook Comments