
Hihingi ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa kanilang pag-iikot sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay ICI Special Adviser at former PNP chief Rodolfo Azurin Jr., magiging depende sa rekomendasyon ni Public Works Secretary Vince Dizon kung alin ang kanilang uunahing puntahan.
Pero hindi aniya lahat na proyekto ay kanilang mapupuntahan.
Una nang inihayag ni Dizon na sa 8,000 projects na kanilang na-inspection, 421 dito ang ghost projects.
Samantala, nakipagpulong na rin si Philippine Competition Commission Chairperson Atty. Michael Aguilado sa ICI.
Kinumpirma ni Aguinaldo na may umuusad nang imbestigasyon sa sinasabing dayaan sa bidding ng mga proyekto ng gobyerno hinggil sa flood control.









