ICI, hindi palalampasin ang usapin ng maanomalyang flood control projects sa Cebu na iniuugnay ngayon sa malawakang pagbaha dahil sa Bagyong Tino

Hindi palalampasin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang usapin ng maanomalyang flood control projects sa Cebu.

Ito ‘yung iniuugnay ngayon sa malawakang pagbaha dahil sa Bagyong Tino.

Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, ang mandato ng kanilang komisyon ay tutukan ang mga anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.

Aniya, nakakalat na ang kanilang mga opisyal para siyasitan at silipin ang mahigit 400 na mga flood control projects.

Una nang sinabi ng gobernador ng Cebu na nakapagsumite na sila ng inisyal na ulat hinggil sa mga flood control projects bago pa mangyari ang matinding pagbaha.

Sinabi naman ni Hosaka na wala pa silang hawak na “ghost project”sa Cebu dahil sa kakulangan nila ng staff, pero hindi nila ito ipagpapasawang bahala lalo pa’t kung pumasok na sa ICI ang mga ebidensya kaugnay sa sinasabing anomalya.

Facebook Comments