Iginiit ng Department of Justice o DOJ na walang hurisdiksyon ang International Court of Justice o ICJ sa hirit ng OFWs na bawiin ang travel ban sa Hong Kong kaugnay ng Corona Virus Disease o COVID-19.
Partikular ang apela ng isang libong OFWs sa ICJ kung saan agad na pina-aaksyunan ang kanilang hiling para makabalik na sila sa trabaho.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi maaaring manghimasok ang ICJ sa mga usapin sa Judicial Systems, Public Health o Migration na kaya namang resolbahin ng National Government o iba pang kaukulang international agencies tulad ng World Health Organization o WHO.
Binigyang-diin pa ng kalihim na ang desisyon na higpitan ang Foreign Travels o biyaheng papasok at palabas ng bansa ay “sole prerogative” ng pamahalaan.
Bukod sa Hong Kong, sakop ng din travel ban ng pamahalaan ng Pilipinas ang Mainland China at Macau.