Iconic Land Mark: DARUANAK, Ano ang Kasalanan Mo? Bakit Ka SINUNOG???

Maraming exkursyunista ang nagpaabot ng kanilang pagkadismaya kaugnay ng nangyaring pagsunog ng Daruanak na sinasabing kagagawan lang naman din ng mga pasaway na bakasyunista na pumunta sa lugar nitong nakaraang May 1, 2018.

Ayon sa report na pinalabas ng Philippine Coast Guard Auxillary (PCGA) sa bayan ng Pasacao, bandang ala-una ng ma-rescue nila ang nasa 13 mga exkursyunista kasama pa ang isang 3-buwang bata na kabilang sa mga na-stranded sa isla habang kinakain ng apoy ang itaas na bahagi ng lugar.

Sinasabing ang sunog ay kagagawan lang naman din di-umano ng mga pasaway na exkursyunista na umakyat sa tuktok na bahagi ng isla.


Wala namang masamang nangyari sa mga na-stranded.

Ang nagyaring sunog ay nagresulta sa pagkakalbo ng halos nasa kalahating bahagi ng Daruanak.

Ang pagkasunog ng Daruanak – itinuturing na isa sa mga pinakagandang attraction ng bayan ng Pasacao, ay ikinalungkot ng mga opisyal local ng nasabing bayan.

Samantala, wala pang nairireport ang otoridad kung sino ang responsible sa nasabing panununog.

Ayon pa sa fb post ni Ninoy Reyes ng Tourism Office ng bayan ng Pasacao:

“it breaks my heart to see this:( an iconic landmark in a place where i help promote tourism:( Kung sisay man ang kagibo kaini MASULO KA MAN LUGOD AROG KAN GINIBO MO! [image: https://static.xx.fbcdn.net/images/emoji.php/v9/f79/1/16/1f44a.png]👊 Para mo na rin sinunog ang kultura, tradisyon at dignidad ng mamayan dito.”

-kasama mo sa balita, RadyoMAN Grace Inocentes, Tatak RMN!
Photo Credits:
Ninoy Reyes – Daruanak after the fire,
Grace Inocentes – Daruanak before

Facebook Comments