ICU admission sa NCR, bumababa na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng infection

47

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang Intensive Care Unit (ICU) admissions sa Metro Manila para sa COVID-19 patients.

Gayunman, iniulat ng DOH na tumataas ang admission sa mga ospital, ng COVID patients na severe at kritikal ang lagay.

Sa katunayan anila, nakapagtala pa ang DOH ng pinakamataas na bilang ng severe at critical admissions.


Una nang kinumpirma ng DOH na patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 infection sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ito ay bagama’t patuloy naman na bumababa ang kaso sa ilang bahagi ng bansa.

Facebook Comments