7 miyembro ng BIFF, sumuko sa militar

36

Nagbalik-loob na sa pamahalaan ang pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao.

Kasabay nilang isinuko ang kanilang mga armas.

Ang mga sumuko ay dating tauhan ni BIFF-Bungos Faction Field Commander alyas King Fahad, na unang sumuko kasama ang limang iba pa noong Sabado, Setyembre 24.


Sa ngayon, sumasailalim na ang mga sumuko sa medical check-ups, assessments, documentation, at counseling bilang paghahanda sa pagpasok nila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Facebook Comments