ICU ng ilang ospital sa Metro Manila, nasa high critical risk na

Itinuturing ni Health Usec. at Treatment Czar Leopoldo Vega na very alarming na ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular sa National Capital Region Plus areas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Vega na sa ngayon ay domoble ang dami ng kaso kung ikukumpara noong isang taon.

Sa ngayon ay nasa moderate risk ang mga COVID and isolation beds dito sa Metro Manila.


Pero ang labis aniyang nakakabahala ay nasa critical risk capacity na ang Intensive Care Units (ICU) sa Makati, Quezon City, Taguig at Navotas.

Ani Vega, kung noong isang taon ay madaling nakapag-arrange ang mga ospital sa incoming surge, sa ngayon kasi ay naging sunod -sunod ang mga na-a-admit sa ICU.

Giit pa nito matagal din ang turnaround time ng mga pasyenteng nasa ICU na umaabot sa10 hanggang 30 araw, kung kaya’t matagal bago ito ma-decongest.

Facebook Comments