Pondo ng ayuda sa ECQ areas, posibleng magamit sa Halalan 2022 – DILG

Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng magamit sa Halalan 2022 ang pondong ipamimigay ng pamahalaan sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine (EQC).

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, hindi maiiwasan na mayroong mga opisyal na gagamitin ang eleksyon sa pamamahagi ng COVID-19 assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Dahil dito, maglulunsad ang DILG ng hotline para hikayatin ang publiko na magsumbong kapag may nangyaring korapsyon sa ayuda.


Facebook Comments