Ideal Youth for the Ideal City, Pangungunahan ni Cauayan City-SK Federation President Charleen Quintos!

Cauayan City, Isabela- Mainit ang naging pagtanggap ng mga Sangguniang Panlungsod kay SK Federation President Charleen Joy Quintos bilang bagong miyembro ng City Council upang pormal na ipasakamay ang Committee on Youth and Sports

Base sa kanyang naging mensahe, layunin nito na pagkaisahin ang mga kabataan at maging modelo dito sa Lungsod ng Cauayan.

Kabilang umano sa kanyang pagtutuunan ng pansin ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan, Disaster Risk Management at iba pang maaaring maging kontribusyon ng mga kabataan upang makatulong sa pagpapaunlad sa nasasakupan ng Lungsod.


Buo naman ang tiwala at suportang ibinibigay ng mga Sangguniang Panlungsod kay Quintos bilang isa sa mga magpapatupad sa mga alituntuntunin at mangunguna sa mga kabataan upang maging Ideal Youth for the Ideal City.

Facebook Comments