Tatlong Katao, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Baril!

*Cabatuan, Isabela-* Arestado ang tatlong kalalakihan sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop ng kapulisan sa Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Jefferson Alipio, trentay dos anyos, residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela, Henry Celis, kwarentay tres anyos, Mariano Galabay, sisentay uno anyos at pawang mga residente ng Brgy. Macatal Aurora, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nagsagawa ng Buy-Bust Operation ang PNP Cabatuan kasama ang CIDG Santiago CFU sa Brgy. Del Pilar kung saan dito na nahuli ang tatlong indibidwal na nagbebenta ng mga iligal na baril.


Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang unit ng kalibre kwarentay singko, tatlong bala ng kwarentay singko, isang magazine ng kalibre kwarentay singko, isang sling bag, isang unit ng cellphone at buy bust money.

Dinala na sa PNP Cabatuan ang tatlong suspek para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments