IDEDEKLARA NA | Panibagong bidding sa 250,000 metric tons rice import, itinakda na sa Mayo 4

Manila, Philippines – Tiwala ang National Food Authority (NFA) na may idedeklara nang winning bidder sa panibagong bidding sa Mayo 4 para sa rice imports na 250 libong metric tons sa ilalim ng government to government procurement scheme.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino ,gagawin ang bidding matapos mabigo ang bids and awards committee ng NFA na makakuha ng winning bidder sa unang bidding noong Abril 27.

Mas mataas kasi ang alok na presyo ng Bansang Vietnam at Thailand kumpara sa inilatag na reference price ng NFA.


Sa ggawing bidding sa Biyernes ,mananatili ang Terms of Reference ng NFA na $483.63 per Metric Tons para sa 50,000 MT ng 15% broken rice at $474.18 per MT para sa 200,000 MT ng 25% broken grains.

Kung sakaling magkaroon na ng winning bidder, ang unang
Shipment ng 100,000 MetricTons ng 25% broken rice ay darating sa Mayo 31.

Habang ang karagdagang 100,000 Metric Tons ng 25% broken rice ay darating naman ng hindi lalagpas sa Hunyo 15.

Ang huling shipment na 50,000 metric tons na 15% broken rice ay darating sa bansa ng hindi lalagpas ng Hunyo 30.

Facebook Comments