EMOSYONAL | Babaeng kagawad sa QC na idinawit sa narco list Kinukuwestyon ang inilabas na listahan ng PDEA

Manila, Philippines – Naging emosyonal si kagawad ng Barangay Bagong Lipunan sa QC dahil sa pagdawit sa kaniyang pangalan sa mga protektor sa operasyon ng illegal drugs.

Ayon kay kagawad Agcaoili, naging apektado na ang kaniyang pamilya mag mula nang masama ang kaniyang pangalan sa Narco list.

Mariing Itinanggi ni Agcaoili na protektor siya ng droga


Pero, Aminado siya na pugad ng nga indibidwal na sangkot sa illegal na droga ang kanilang sa lugar kung saan siya nakatira.

Sa katunayan siya pa ang nakikiusap sa mga drug personality sa kanilang lugar na sumuko at magbagong buhay.

Hindi aniya makatwiran ang basehan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil makakapekto ito sa buhay ng katulad niya na idinawit sa listahan.

May Hinala si Agcoili na ang ang QCPD station 7 ang nagnguso sa kaniya dahil mismong kakilala niya ang lahat ng mga sangkot sa kaniyang lugar.

Dahil dito, dumulog na si Agcaoili kay Vice Mayor Joy Belmonte at nakatakda na rin siyang magtungo sa Kampo Krame para linisin ang kaniyang pangalan.

Facebook Comments