IDINAOS | Simulation kaugnay ng gagawing BOL plebiscite, isinagawa ng COMELEC

Nagdaos ng simulation ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng idaraos na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa January 2019.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, Inaasahan nila na sa loob ng tatlong araw matapos na idaos ang plebisito sa January 21, 2019 ay malalaman na ang resulta ng botohan.

2.5 million hanggang 2.8 million na mga botante ang ina-asahang lalahok sa plebisito.


Sa ilalim ng batas, dapat maisagawa ang plebisito sa pagitan ng 90 hanggang 150 araw magmula nang ito mapirmahan ito ng pangulo bilang ganap na batas.

Isinusulong ng batas ang pagbuo ng autonomous political entity na Bangsamoro Autonomous Region na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Facebook Comments