Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ng Department of Finance (DOF) na hindi makaaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Katunayan, ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez – ang pinaigting na seguridad pa nga ang sisigurong ligtas ang mga negosyo at imprastraktura sa bansa.
Aniya, makatutulong ang batas militar sa Mindanao para mawakasan ang karahasan at maibalik agad sa normal ang pamumuhay ng mga tao.
Nabatid na sa huling tala, lumago ng 6.4 percent ang Gross Domestic Product ng bansa para sa unang tatlong buwan ng 2017.
DZXL558
Facebook Comments