Idineklarang martial law, umani ng ibat-ibang reaksyon

Manila, Philippines Pinaboran Maging ng ilang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng martial law.

Kabilang na rin si CBCP president at lingayen Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kung saan aprub sa kanya ang ginawang hakbang ng pangulo para matapos na ang karahasan sa Mindanao.

Naniniwala naman si Vice President Leni Robredo – na hindi aabusuhin ng mga tagapagpatupad ng batas ang martial law bagay na ipinangako sa kanya.


Hindi naman ikinagulat ni dating Senador Bongbong Marcos sa deklarasyon.
Pero tingin ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate – may nagtutulak lamang ng sariling agenda sa administrasyon.

Kumbinsido naman si Senador Antonio Trillanes – nagmamadali ang pangulo sa deklarasyon ng batas militar.
Naniniwala si Trillanes na kayang iresolba at kontrolin ang sitwasyon sa marawi kahit pa walang batas militar.
DZXL558

Facebook Comments