IDOL! | Liza Soberano, hinahangaan ng mga showbiz reporters at kapwa artista

Manila, Philippines – Hinahangaan ngayon ng mga showbiz reporters at kapwa artista ang soon to be Darna ng bansa na si Liza Soberano.

Nabatid kasi na sa kabila ng kasikatan nito, aminado si Liza na hinding-hindi daw niya makakalimutan ang mga taong nakilala niya bago pa siya sumikat.

Say pa ni Liza, ito daw kasi ang mahalagang payo na lagi niyang tinatandaan mula pa noong una hanggang sa ngayon.


Lagi din daw nakapalag ang paa niya sa lupa at hangga’t maari ay papansinin niya ang mga tao na nakasalimuha niya bago pa sumikat sa limelight ng showbiz.

At kahit saan lugar, sisikapin pa din niya na magpakumbaba kahit alam ng ibang tao na nasa tuktok na ito ng stardom.

Facebook Comments