Isang Improvised Explosive Device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba na pinaniniwalaang pag aari ng mga terorista ang narekober sa bayan ng Datu Hofer sa lalawigan ng Maguindanao. Ang operasyon na tinawag na Oplan Paglalansag Omega o campaign againts loose fire arms na isinagawa sa Barangay Labu Labu sa Datu Hofer ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng CIDG- Armm, 601st Brigade, 57th IB at First mechanized Brigade.
Sinabi ni CIDG Armm Director Sr.Supt. James Logan narekober nila sa operasyon ang isang IED at mga sangkap nito malapit sa umanoy defense area ni Daes-Inspired group leader Esmael Abdulmalik alyas Abu Turayfe ng Jamatul Muhajireen Al Wansar.
Kapareho umano ang narekober na IED sa dalawang bombang sumabog sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao nitong Miyerkules ng umaga na nagresulta sa pagkakasugat ng apat katao kabilang ang isang pulis, sundalo at dalawang barangay officials.( Amer Sinsuat)
IED at mga sangkap narekober sa bayan ng Datu Hofer Maguindanao
Facebook Comments